Someone to hold. Someone to cherish. Someone to tell me, “Hey babe, I missed you today.” I don’t know. I’m sitting here thinking about superficial things. I mean, haven’t you ever just laid in bed at night and thought “what if I had someone?” And then you look and browse through your phone and realize you’re not as alone as you think. You’re talking to all these people and wonder “do they even think of me that way?” But then there isn’t that emotional connection. There isn’t a definite “someone” there for you. It’s never to the point where these people are willing to go move on with you to the next step. There’s always that borderline between being just their friend compared to being that special someone.

(via: mahalkita3x)



Naisip ko lang.. Paano kaya kung makita mo yung taong mahal mo na iba ng mahal? Na may iba ng tinatawag na “BABY” “BABE” “DARLING” “HON” “SWEETHEART” “Wifey/Hubby” etc. Paano kung may iba na sya ka-holding hands? Kayakapan. Kalandian. Tapos yung tipong nasa harap mo pa or tipong dumaan sa harap mo. NakakaGG pakiramdam no? Actually naranasan ko na ‘to. Back when I was 4th year HS. Garapalan yung EX ko nun e. Classmate ko siya. 4 months lang tinagal namin. At first natuwa ako kasi nga parang famous kasi sya sa school namin, kilala kasi mommy nya dun, Teacher dati tapos naging Non-teaching personel na sa school. Basta ayun nga. Tapos na-flatter nga ako kasi nga sa dinami-dami ng pwede nyang maging girlfriend ako pa nagustuhan nya (Insecurities). Nung naging kami na, dun ko nalaman lahat ng baho nya. Literal na BAHO talaga!! De joke. Hahaha. Hambog talaga sya e? As in. I don’t know what to say pa, basta ayoko na ungkatin baho nya. Tapos worst pa na nangyari, may pinagkakalat sya na issue about sakin na nakakasira talaga ng pagkababae ko. The good thing is, walang naniwala sakanya, except dun sa mga tao na hindi naman ako kilala. Masakit lang kasi bago ko iniwan Alma Mater ko, nasira image ko. Ayun, back to the topic. Nung nagbreak kami nun bigla nalang sya may nilandi na classmate ko. Imagine how awkward was that! Nasa iisang room lang kami tapos yung dating kami yung naglalandian ngayon iba na yung nilalandi nya that time. Imagine kung gano kasakit na nakikita mo sila na ganon. MASAKIT TALAGA. Well, that’s all part of the past. Naalala ko lang sya simula nung naisip ko yung “Paano kaya kung makita mo yung taong mahal mo na iba ng mahal?”



Bak…. par…. ik…. pa…. yu…. asdfghjkl?! =))))

We have very little in common.

strawberrytelle:

But the thing is, despite how much we’ll hate what each other loves, we wouldn’t love each other without those things we hate. I think it’s important to focus on what makes you happy in a relationship instead of what SHOULD make you happy in a relationship. Not every successful couple has everything in common.



Ang cool ng panaginip ko. Yung boyfriend ko daw bad boy pero may kind heart tapos sweet na ewan? Feeling ko tuloy ako si JanDi sa Boys Over Flower. Ang gwapo kasi nung leading man ko dun e, ano ba to? :”>



Message sent! Lol joke, no. I was about to send this pero natakot ako. Sana lang kaya ko isend ‘to.. Sana lang naman? :p

Korni ko lang!



Naghanap ako ng magandang lilipatan na school. Kaya lang, di ko maiwanan FEU :(

Too sweet not to reblog. :">

Dear Future Boyfriend,

         Hello!! Hindi naman ako nagmamadali na makita na kita. Kaya ko maghintay ng tamang panahon. Hindi na ako kagaya dati na nagmamadali maghanap ng iba kasi palagi akong nahuhulog sa maling tao. Palagi tuloy ako nasasaktan. Pero syempre wag ka naman magpatagal magpahanap ha? Hm, kapag natagpuan na natin isa’t-isa e-effortan kita hangga’t kaya ko. Promise yun! Kapag gusto mo ko makita, pupuntahan kita syempre kapag pwede lang. Pero kapag hindi, edi tiis tiis lang. Pipilitin kong palaging magsaya kapag magkasama tayo, ittreasure ko yung mga oras na magkasama tayo. Magpapaka-korny ako kapag nalulungkot ka. Kapag kailangan mo ng kasama, andito lang ako. Kapag nalulungkot ka at naramdaman ko na kailangan na kailangan mo ko, pupuntahan kita para lang yakapin ka. Kahit sandali, kasi ayokong maramdaman mong nagiisa ka sa oras na kailangan mo ng kasama. Legal tayo sa parents ko, mamahalin ka nila, tatanggapin ka nila ng buo. Mamahalin ka nila na parang anak narin nila, sinisiguro ko na hindi mo mararamdaman na ayaw nila sayo. Kapag namiss kita, medyo magiging needy ako pero pipilitin kong pigilan sarili ko para hindi ka masakal. Mabilis kasi akong makamiss e. Sweet ako, kaso minsan hindi rin. Minsan kapag hindi ko feel, wala talaga ko gana. Pero MINSAN lang yun. Syempre mahal kita, kaya sweet ako. Kapag kasama kita, mahal kita. Kapag di kita kasama, mas mahal kita. Syempre ganon talaga, kapag mahal mo dapat mamahalin mo siya ng bongga lalo na kapag di mo sya kasama. Ayokong mawala tiwala mo. Ayokong nagiisip ka na pinagpapalit kita sa iba. Kaya ko tiisin lahat, kasi mahal kita.Kakayanin ko lahat. Kapag nakuha mo ko ng sobra, asahan mo hindi lang puso ko makukuha mo. Pati mga mata ko. Wala akong pake kung may gwapo pang dumaan at magpapansin sa harap ko. Ikaw lang gusto ko. Ipaglalaban kita hangga’t alam kong may ipaglalaban pa ko. Mamahalin kita at hindi ko na hihilinggin pa na magbago ka. Ibig sabihin ko lang, I do not expect you to be perfect. Mamahalin kita kahit mainit ulo mo o kahit ano pang nararamdaman mo. Ipagtatanggol kita at ipaglalaban ko yung kung anong meron satin. I love you enough not to let go. Kahit mag-away man tayo, hindi kita hahayaan na mag-isang magresolba nun, at sabay tayong magmamature at may mapupulot na aral sa bagay na hindi natin napagkakaintindihan. Wag ka magpatagal, ha?

                                                                                                Love, Me.




Pinaiyak ako ng babaeng ‘to. :(

Thank you, bok. >:(< :) :* 



Yung panahon na ang korny pa namin&#8230; Dejoke! Nagbasa kasi ako ng old convo namin, and look what I found. Ang cheesy pa. Tangina nakakabanas lang :( Nakakamiss.. parang gusto mong makita siya ulit. Hay buhay sawi nga naman 3

Minahal ko siya ng buo kahit di sya yung unang lalaking minahal ko. Alam ko sa sarili ko na mas minahal ko siya. Sabi ko noon, “mamahalin ko na siya habang buhay” tumawa ako pero seryoso ako nun. Akala ko kami na talaga kasi para sa akin kapag nagmahal ka panghabang buhay na pero di pala talaga ganon. There are many circumstances, mistakes, doubts, at kung anu-ano pa na nagdala sa mga sitwasyon na halos pasuko na kaming dalawa pero sa aming dalawa, ako lagi ang gustong sumuko dahil sa mga sakit na una kong naramdaman pero dumating na sa puntong kailangan na niyang tapusin dahil di sapat ang space para matutunan ang bawat pagkakamali. Ngayon ko lang nalaman na di lang feelings ang pagmamahal. Kailangan mong magsakripisyo, masaktan at higit sa lahat balansehin ang lahat ng walang nasasaktan. Ngayon, di ko na alam kung paano gagawin ang mga bagay-bagay dahil alam kong noon siya ang kasama ko sa paggawa ng mga yun at sa pagbuo at pagtupad ng mga pangarap. Nakakalungkot lang isipin na hindi na niya sa akin sasabihin ang mga katagang “Mahal kita” at di na ako ang kasama niya sa pagbuo ng mga pangarap niya. Aaminin ko mahal ko pa rin siya pero anong magagawa ko kung nakalimot na siya? At naisipan na nyang magmahal ng iba. Di ko na maibabalik ang lahat kahit patawa ko pang sabihin na “kung kami talaga, kami talaga” alam ko sa puso ko mahirap palayain ang isang taong minahal mo ng totoo gaya niya. Ngayon, di ko na alam kung magmamahal pa ba ako, paniniwalaan ko pa ba ang mga kasweetan na naririnig ko o ituturing ko nalang na bangungot ang mga ito dahil ang totoo hanggang pangarap ko lang siya. Pinakawalan ko siya pero di ibig sabihin nun na ang pagmamahal ko rin ay kumawala. Sinabi ko rin noon na kinandado ko na ang puso ko sakanya at tinapon ko na ang susi sa dagat. Pabiro ko ring sinabi yun pero seryoso din ako ng sinabi ko yun. Dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari; May makakuha ng susi o mananatiling nakakandado ang puso ko sakanya. So, will I tell him that I love him one last time? I love him, but it’s over now..



Dear You,
Will you comfort me if I ever let you know that I’m sad because I still love you? Will you promise to stay with me tonight so I would feel much better without breaking it? Will you still care for me If I am not as cheerful as what I used to be? Would you love me again even though I am me? Would you? I’m miserable. Would you hug me? Why did you have to leave me? Why didn’t you tell me I wasn’t enough? Why you ended up hurting me when all I did was to love you? Why I can’t be enough? Can we just forget them… then start over? Will you hate me if I beg? Why hurt me? Why can’t we just love each other forever? Why you have to be confused? Why you have to be so weak? Why you have to do this to us? Will you just stay? What do you want for now? What is in your heart? Am I still there? Should I have to move on? Would you like me to forget you? Would you like to leave me alone? Do you feel sad to see me crying like this? I love you, I still do. I’m sorry. I was careless. I can’t stand a day without you, this is the truth.
Sincerely, Me.



Nakakalungkot man isipin, pero eto yung katotohanan.

Noon, akala ko nasaakin na yung pinaka-perfect na lalaki sa buong mundo. Yung tipong wala ng ibang babae na magkakaroon pa nun. Ako lang. Akala ko, meron na akong perfect relationship. “Eto na yun. Eto na talaga, hindi ko na ‘to papakawalan.” Madalas ko sabihin yang linya na yan dati nung narealize ko kung gaano sya kahalaga sakin, kung gaano ko sya kamahal. Alam ko na OA isipin na nasaakin yung perfect guy, pero alam kong hindi siya perfect. Yung pinaramdam nya sakin, yun yung perfect feeling. Siya yung tipo ng lalaki na may playboy image, pero kung makikilala mo siya, yung totoong siya, kung naging karelasyon mo siya.. Masasabi mo sa sarili mo na, “Wow! Ang swerte ko naman. Mali pala yung tinggin ko sakanya.” Loyal kasi siya e, knowing na halos wala ng lalaki na loyal? Bibihira nalang. Ipaparamdam at ipapakita niya sayo na, kapag sayo sya, IYO lang talaga siya. Gentleman, wala talaga akong masasabi tungkol dito kasi sobrang gentleman siya. He knows how to respect girls/women. He’s out of my league. 6/10? Gets? Nung una nga, pakiramdam ko, hindi ko siya deserve. Parang kasi, hindi ako yung right girl for him. Pero each day passed, pinaramdam niya sakin na ako yung right girl para sakanya. Nag-blog ako before, about him. Yung, “dapat na hanapin nyong lalaki e yung kagaya niya”. Ang galing ko lang kasi binura ko siya dahil nag-away kami nung panahon na yun *regrets*. Ang dami ko pang plano. Ang dami kong pinaplano sa isip ko, kahit alam kong wala na siya. Kagaya nalang nung nagpunta kami sa MOA, may isang chocolates stall doon. Suddenly, naalala ko siya. I don’t know why? Pero naisip ko na bilihan ko siya nun, kasi alam ko makakatulong yun kapag nagaaral siya. Haha, parang napalaking pahirap kasi sakanya ng Math subject e. Anyway, ayun nga, I’ve thought of buying him a box of it. Kaya lang, natawa rin ako sa sarili ko nung naisip ko yun kasi, ANONG REASON? Ano pa bang reason para mag-effort ako ng ganon. Nakalagay parin yung picture namin right next to my bed. Andoon parin yung number “8” sa gitna ng pintuan ng kwarto ko. Madalas ako tanungin ng mga kaibigan ko kung bakit hindi ko pa itago yung mga bagay na yun. Bakit nga ba? (Hindi ko din masagot) I loved him so much, and I love him still.. Pero iba yung mahal mo na umaasa ka parin, ako kasi mahal ko siya pero tinigilan ko ng umasa pa. 

I guess I was just wrong about him. Wrong in the way na nagpromise ako sa sarili ko na siya na. Siya na yung gusto kong makasama. Pero naging masaya ako na naramdaman ko kung paano magmahal ang isang kagaya niya. Matatagalan pa siguro bago ka maka-get over sa past relationship. Never experienced this before, I mean.. nagka-EX na ko, pero hindi ako ganito e. Kaya ko magmove-on sa sarili ko lang, kaya ko humanap ng pagbabalingan ko na iba. Noon kaya ko, pero ngayon ayoko na. Oo, inaamin ko, natatakot na ko magmahal ulit, at OO din na dahil sakanya kaya ayoko na magmahal. Darating din naman ako ulit dun, wag lang atat. Hindi ganun kadali. Hindi pala talaga madali magmahal ng bongga. Sabi nga ng nanay ko, “Naranasan mo na magpaiyak at umiyak. Kaya tama na muna.” Ang galing no? Alam na alam kasi ni mama na nasasaktan parin ako. Although nakikita niya na akong masaya ngayon. She watched me cry almost every night nung bago palang kami naghiwalay. Medyo awkward pero wala e, siya lang matatakbuhan ko nun at yung blog ko. Hindi ko kasi kaya iopen lahat kay mama. 

Hindi ko pinagsisisihang minahal kita ng sobra, pinagsisisihan ko lang na umasa ako na ikaw na talaga. 



Theme made by Max davis.